Tuesday, May 5, 2009

Lupang Hinirang - Gutay-gutay Na Nga Ba?

Makailang beses ng nananalo si Manny Pacquiao sa boksing at bawat laro ay inaawit ang Lupang Hinirang na siyang Pambansang awit ng Pilipinas. Sa iyong palagay nagagawa ba ito ng wasto? Karaniwan sa mapipiling umawit ay sikat nating idolo na labis din nating hinahangaan. Ngunit bakit hindi yata nabibigyan ng katarungan ang simpleng pag-awit ng Lupang Hinirang? Bakit kailangan pang baguhin and estilo ng pag-awit nito? Makabuluhan ba ito? Ang mga nota ba ay dapat pang palitan para maging makabago ang dating ng awitin?

Marahil ay nababawasan na ang ating respeto sa ating Pambansang awit. Sa katunayan ay muntik ng mamatay ang Lupang Hinirang dahil sa nakalimutan ang mga ilang linya nito. Isang sikat na lalaking mang-aawit ang gumawa ng di-kanais-nais na pag-awit sa harap mismo ng madlang Sandaigdigan.

Isang munting aral lang po. Mahalin natin ang ating Pambansang awit. Ingatan ang pagbigkas ng bawat kataga at isapuso ang tunay na kahulugan nito. Diyan lamang natin masasabi na tayo ay karapat-dapat na tawaging Filipino.